Monday, February 10, 2014

Sa Ngalan ni Ellen Adarna

Dahil puro luto at kain ako simula nung bumalik ako last August, nagpupumiglas na ang mga damit ko sa katawan ko. >.< Time to exercise! Gusto ko rin sanang magdiet pero eto talaga ang dilemma ng food lover na tulad ko, nadedepress ako kapag nagdadiet. hahaha. Pero sinusubukan ko naman na bawasan ang pagkain sa gabi. Wish me luck!
Medyo matagal na rin namin chinecheckout ni Jay Ann yung bagong gawang gym sa may Evangelista at after N months, pumunta na nga kami at nag-inquire. Gusto ko sanang mag Muay Thai, pero sabi ni coach, magsimula daw muna ako sa boxing. hahaha. Bagay na bagay to para sa mga tulad ko na nabobore kapag tumatakbo lang. :D Pero warning: INTENSE NA EXERCISE ANG BOXING. Yung first session ko, halos nawawalan ako ng hininga!
Eto ang gym na pinupuntahan namin: Sports District MMA (Andito ang aming embarassing pictures. haha.)
Sa ngayon, may sarili na kong gloves na mumurahin lang at nakaka 6 sessions na ko. Yay!




No comments:

Post a Comment